Flower Power Castle

September 4th, 2006

Marami akong plano sa buhay. Di lang alam nina Mama at di nyo lang halata, pero marami talaga…

Naisip ko minsan, gusto ko magpagawa ng magandang tirahan. Parang castle. Ipapa-trabaho ko sa mga pinaka-gwapong karpintero. Syempre papangalanan ko yung castle, uhm, tatawagin kong "FLOWER POWER CASTLE" kasi feeling ko flower child ako o hippie kung nabuhay ako nung Flower Power era. Gusto ko ng makulay na abstrak, yung nakakahilong drowings na parang kaleidoscope, yung Psychedelic. Tapos dun sa Flower Power Castle o FPC, ako yung queen, may sarili akong mundo na walang makikialam kasi ako ang batas. Yung FPC na ipapagawa ko sa mga gwapong karpintero, makulay, parang gawa sa pastel at nail polish. Tapos ang clouds doon pwedeng kainin, parang cotton candy pero iba-ibang flavors. May chocolate flavor, strawbiri, vanilla at ang pinaka-special flavor, cookies ‘n cream! Putcha, sarap nun. Ang ulan, GLITTERS!! Yung di nakakabulag na glitters. Tapos ang sun, may mukha, yung parang katulad sa drawing ng mga bata, palaging naka-smile. Pag malungkot ka tapos natamaan ka ng sunlight, magiging masaya ka. Ganon kadali ma-solb ang problema sa kaharian ko. Ang official language, GAY LANGUAGE syempre. Maraming bakla kasi gusto ko ang mga bakla pero bawal ang bolash. Binubudburan ng paminta at pinapakain sa piranha ang mga bolash (pero si Sancho at Jason exempted). Lahat cowboy/cowgirl at rakista sa Flower Power Castle, ang sosyal at lalo na ang mga pa-sosyal pinupugutan ng ulo tapos ginagawang football yung ulo. Pero dehins din naman pwede ang poser dun. Tatadtarin ng M16 ni Junior Kilat ang mga poser. Lahat na poser na gothic at lalo na yung mga Avril Lavigne-look alike. Yak. Punyeta, ayoko nun. Ina-assassinate sila sa FPC. Tapos pag bad ka, pag siniraan moko, ipapakain kita sa mga alaga kong shark, yung mga pinakamatapang at gutom na shark. Durog ka!

Pero lahat ng nakatira sa Flower Power Castle, mukhang artista. Kung gusto mong morena ka, e di morena ka. Kung gusto mong kasing puti ka ni Kris Aquino, di mo na kelangan gumamit ng Likas Papaya kasi maputi ka basta ginusto mo. Isipin mo lang. Walang panget sa kaharian ko, walang mataba, walang pango, lahat matangos ang ilong, parang kay Donita Rose o Anna Roces. Lahat makinis, lahat CHESA, lahat fashionista, lahat sexy,para walang inggitan. Pero ang may pimples lang yung mga masungit at swapang. Bawal kasi ang kurakot sa FPC e kaya walang gobyerno, walang senators na may hacienda, walang mapangmataas na Congressman, walang rapist na mayor at walang pusher na pulis. Ako ang sindikato. Ako ang gobyerno pero hindi ako swapang kasi Care Bears at Power Puff Girls ang political advisers ko. Pwede pang magslide sa rainbow habang nagmi-meeting. Pero there’s no perfect government daw kaya expected na may konting krimen din pero lagot sila sa Power Rangers at X-Men kasi sila ang magpaparusa sa mga traydor, sa mga inggitera. Di ko na sinali si Ultraman Ace kasi di sya nakapasa sa screening ko kaya andun sya sa kabilang castle. Ang ingay nya kasi pag nakikipaglaban pero di naman gumagalaw ang lips kaya di sakanya natatakot ang mga kriminal. Pero pwede rin naman syang tumulong kung gusto nya.

Sa Flower Power castle, sabay sabay kumain ang mga tao, lahat nasa Presidential table pero syempre ako nasa gitna. Di nawawalan ng ubas, Chickenjoy, Blueberry chizcake at Tobleron sa mesa. Up to sawa pa ang gravy, parang sa KFC. Ang Mayon Volcano dun, bumubuga ng Hersheys at Cadbury chocolate na walang peanuts, ayoko ng may peanut o almond, punyeta, tapos may ilog na strawberry milkshake at may kahoy na namumukadkad ng dilimon at SKITTLES!!!! Walang diet-diet, walang tonsilitis, walang calories, NO EVERYTHING. Walang mahirap sa FPC, palagi ngang may pool party eh. Tapos pag friday at saturday night, may event. Giveaway lang ang Ecstasy at V’s para lahat hapi-hapi. Rakrakan o disco ang sounds para astig. Pero rock, trans, tekno, pop, house o disco punk lang ang pinapatugtog ng DJ o pag may live concert. Bawal ang RNB. Jologs yun eh. Yun ang taboo sa Flower Power Castle ko. Pati boyband NO ENTRY, pero ang Bakstrit Boys pwede kasi crush ko dati si Nick Carter at Brian Litrell.

Tapos ang motto ng FPC ay "Sex for Peace." May official soundtrack din ang psychedelic kong kaharian, "Lucy in the Sky with Diamonds" ng The Beatles at "Sleeping In" ng The Postal Service. May malaking ipod sa lahat ng kanto ng bawat kalye. Malalaman mong may problema ang isang tao kasi bigla na lang tutugtog ang "Heaven Knows I’m Miserable now" ng The Smiths. Pag may nagse-sex naman, bigla na lang nago-On ang "Yakap sa Dilim" ng Orange and Lemons at "Are You in" ng Incubus pag napahaba yung foreplay. Pag may trouble, maririnig na lang bigla na malakas yung "Down with the Sickness" ng Disturbed, syempre to the rescue naman si Agent Orange get up get up, kukupaw kukupaw. Pag nagtaksil ang boypren o gerpren mo, malalaman mo kasi biglang tutugtog yung "Screaming Infidelity" ng Dashboard. Pag masyado ka namang masaya, nasa good mood o nagbi-beack kayo, "Island in the Sun" ng Weezer ang magpi-play. Pag may namatay, kakanta si Fiona Apple ng version nya ng "Across the Universe." Ganon ka-astig sa kaharian ko. Bawal si Jolina, putang ina. Bawal din si Regine Velasquez, Ogie Alcasid at ang may mga ADHD — si Gary V. at Martin Nebera. Kahit pa si Mariah Carey, bawal! At kung magpumilit sila pumasok, putcha, haharangan sila ng macho guards ko. Lahat ng banda welcome syempre pwera sa CUESHE, 6 Cyclemind at Shamrock. Tangina, mga showbands yun eh!

Syempre may iskul din sa Flower Power Castle. May Vaca. Pero doon, puro Art, Rakenrol, Musik at English lang ang subjects. Wala na ngang tuition fee, wala pang terror na titser at walang AF, puta. Ang galeng noh? May sports din para sa mga athlete. Bahala ka mamili kung gusto mo maging varsity ng patintero, MVP ng shato, tumbang preso, taguan, chinese garter at Water go Water istap. Sa iskul, bahala ka kung gusto mo magtambay lang kung di mo feel pumasok. Syempre sa tambayan, sa Vaca ibabalik ko si Fen Fen at walang masungit na tita-tita, ako ang tita! Punyeta. Libre doon ang yosi pero walang available na menthol, ayoko nun. Marlboro Gold o Winston lights ang universal yosi. Pwede rin ang reds kung minsan. Basta yoko ng menthol. Legalized ang Cannabis, lahat good stuff yung parang galing sa Baguio. Putcha. Hala, suyop! Magpaka-bangag ka all you want. May libreng beer din pero walang Colt45. Redhorse, Miller at Sanmig Light ang ise-serve. Sa mga ayaw naman sa beer, may isang fountain sa gitna ng bars na umaapaw sa cocktail drinks. May pindutan lang sa gilid para lumabas ang kupita at mamili ka kung margarita, tequila with kalamansi, vodkatonic, tzunami, blowjob o boy piko ang gusto mo. As i said, bahala ka. Sus.

Eto pa ha, sikat ang Flower Power Castle kasi kami ang may pinakamalaking library sa buong unibers. Aircon pa, o ha? Si Jessica Zafra, Ben Gibbard at Igan d’ Bayan nakiki-research sa library ko, palaging andun ka-chika ko. Tinuturuan nila ako dun magsulat, gumawa ng kanta at magagandang lyrics pati na rin magdrowing. Sila ang mentors ko. Sa FPC, buhay pa si John Lennon at Kurt Cobain, bespren sila ni Ahmad. Bale mga kumpare ko sila at ninong ni Dylan.

Tapos syempre pa, doon sa Flower Power Castle, maraming nail polish, araw-araw akong nagpapalit ng kulay, iba-ibang nail art. Syet, ang saya non. Yung mga boys, bago matulog nagbibigay galang saken, naggu-gudnyt muna tapos, sabay kiss sa leps…

Yan ang Flower Power Castle. Akala lang kasi nina Mama at Papa wala akong ambisyon after ko maggradweyt eh pero kung alam lang nila noh? Huh!

Long live FPC!!!!!

………..THE END……………