Dylan and her big mouth

May 27th, 2007

      

           Pinahamak ako ng sarili kong anak.

          Narinig ko ang usapan ng aking anak na si Dylan kasama ang dalawa nyang kaklase sa nursery tungkol sa kani-kanilang mommy. Syempre todo eavesdrop naman akez with a wide smile on my face, excited marinig kung ano sasabihin nya tungkol sakin.

          Sabi ng batang lalake, "mommy ko nurse, palagi sya nasa hospital kasama mga sick children." Napangiti si titser, sabay haplos sa buhok ng bata.

           Sabi naman ng batang babae, "mommy ko titser, sinasama nya ako palagi sa iskul nya." Ngiti ulit si titser. Marahil naisip nya, ang ba-bright naman ng students ko. Very good.

              E papatalo ba naman ang pilya kong anak? Sabi nya with all eagerness (imagine Dylan’s hyper voice), "ang mommy ko maraming tattoo! Para-tatu kasi sya! Tina-tattoo-an nya mga friends nila sa bahay namin, nanonood ako pag nagta-tattoo sya kaya gusto ko rin magpatatu pero parang ang sakit sakit kaya paglaki ko na lang. Magpa-taba daw muna ako sabi ni daddy. Si daddy ang dami din tattoo!!" Ganon na lamang ang pagbilog ng mata ng kanyang titser. Pilit syang ngumiti para kay Dylan pero pumanget lalo hitsura nya. Sabay tingin saakin. Nag-smile na lang ako. Bad Dylan, bad. 

            Di ko naman sya mapagsabihan kasi totoo naman lahat ng kwinento nya, di naman sya nagsinungaling. Pero anak naman, bakit di mo na lang sinabing "nag-iiskul pa ang mommy ko" o kaya, "ang mommy ko mahilig magdrowing" o "sexy ang mommy ko", "maganda ang mommy ko."

          Pero, "mommy ko maraming tattoo?!" Hay. Nagmana ka nga saakin. Natawa na lang ako.

         




One Response to “Dylan and her big mouth”

  1.   koR iiiviiixi on May 27, 2007 10:00 pm

    Si Dylan ang pag-asa ng bayan! kaipuhan mo na syang i-nurture bilang politikong tao. dai tatao maghambog!

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind