PUTA

May 20th, 2007
by J.F. Lacaba

 

 

 

Marumi ang pulitiko pero malinis ang

 

budhi ng puta.

 

Ipokrito ang pare pero may ginituang

 

         puso ang puta.

 

Nagpapa-aral ng kapatid na magpapare

 

         ang puta.

 

Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta

 

        ang malaswang bibig ng puta.

 

Nalulong sa droga ang anak ng puta.

 

        ayaw ng putang ina na masadlak ang

 

        anak niyang babae sa pagpuputa.

 

Ang unang tikim sa luto ng Diyos

 

        ay pinatikim ng puta.

 

Bukas ang simbahan kahit madaling araw

 

         tuwing nagdarasal ang puta.

 

Nagbubulungan ang mga manang na

 

         nakakasalubong ng puta.

 

Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya

 

         siya nagputa.

 

Tulak ng kahirapan kaya

 

         nagputa ang puta.

 

Hindi nagpapahalik sa labi ang puta.

 

         kapwa puta ang mga kabarkada

 

         ng puta.

 

Magandang lalake ang nag-aalay ng

 

         tapat na pag-ibig sa puta.

 

Kung binabaril ang bidang lalake

 

         yumayakap at tinatamaan

 

         ang puta.

 

Tanging kamatayan ang tutubos

 

         at magpapatawad

 

         sa kaputahan ng puta.

 

Sigaw ng puta!

 

Pare-pareho naman tayong

 

Puta!



Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind