Ms.Byutipul

August 31st, 2007

May nakapagsabi sakin na imbentor daw ako. May ginagawa daw akong kwento tungkol sa isang taong wala daw katotohanan. Yeah right. Itago natin sya sa pangalang Ms.Byutipul kasi HAYOP sya sa ganda. Uminit syempre ulo ko kasi wala sa hulog ang katarantaduhang ito. Una sa lahat, bakit ko pa kelangan gumawa ng istorya e ladladan naman ang mga pinagagagawa nya? Dati na itong kalat. Pangalawa, di sya karapat dapat gawan ng kwento kasi ang tanga nya. Puro porma at “fashion” kuno lang ang alam na karamihan nama’y arbor at hiniram lang. In short, YAKS. Hindi kita ka-level, dir. Kumbaga, tao ako, ingrown kita.

(Yes, Weng may kaaway na naman ako…hehe)

Pero dahil kay Ms.Byutipul, napaisip tuloy ako na may iba’t-ibang uri talaga ng mga taong NAKAKATUWA. Yung tipong pag nasisilayan mo ay ala ka na lang magagawa kundi magbuntong hininga sabay, Dyos kupo!! Sa mga mababanggit kong klasipikasyon, magbibigay din ako ng clue ng mga kakilala kong perfect example dito. Ngayon, kung matamaan ka, marahil ikaw na ito. Gumawa ka na rin lang ng blog kung gusto mong gumanti. Yun nga lang, I doubt it kung alam mo ang Blog.

PA-IMAGE – mga kabaklaan ang gumawa ng terminong ito. Eto raw yung mga taong wala sa hitsura ang mga ginagawa at sinasabi. Maraming gusto patunayan. Maraming gusto pagtakpan kaya bumubuo ng isang imahe na akala nya nama’y nakakaloko. Di nya alam nagmumukha lamang syang tanga. Mas ok pa pagladladan mong pinapakita kung ano ka kahit ang sama mo na sa paningin ng iba. What you see is what you get, ika nga. Wala ng mga pa-keme keme pa. Kung pokpok ka at nangangati, e di magpakamot ka. Kung bakla ka, e di iladlad mo. Kung inlab ka, ipagsigawan mo! Wag yung underground. Kasi pag nahukay yan, mas mabaho at kalat ang masangsang mong amoy.

Ex: Lalake daw sya pero gatgatan mangchismis, tinalo pa si ate Cristy.

PA-VIRGIN – eto naman ang babaeng feeling sagrado. Nagmamalinis kasi malinis pa daw sya. Virgin daw. Sus. Di pa daw nakakatikim ng pers kiss, pers lamas o pers pak. Kung totoo nga’y e di good for you kung sa tingin mo it’s such an accomplishment maging tigang. Pero di mo kelangan na gawin itong pambuhat bangko, mang-mock ng ibang tao at mag-YUCK kasi magmumukha ka lang bitter. YUCKin mo sarili mo kasi walang pumapatol sayo. Yaks.

Ex: kahit todo gamit na sya ng rexona to da point nangingitim na kili-kili,

      may putok pa rin! Ayos. Kaya pala virgin.

SOCIAL CLIMBERS – akyatin mo na lang ang mt.everest pero wag lang ang social (haha! Baduyun). Dyos ko, andami neto kahit san ka tumingin. Pramis. Sila yung mga taong sa sobrang bilib sa mga superpisyal na bagay, iba na ang pinoprojek kahit di naman kaya at lalong di bagay. Walang inatupag kundi makipagsosyalan, magparty, gumimik kahit wala naman laman ang sariling bulsa. Wala namang pang-entrance at panginum, asa lang sa iba. Kaya naman gustong gusto nila dumikit sa mga rich prends. Baka kasi mahawaan sila pero sadly, kung tius ka, tius ka talaga! Eto yung para lang magmukhang mayaman, manghihiram ng magagandang damit, gamit o kaya’y manghihingi. Wala kang ibang maririnig sa bunganga nila kundi, “wow, ang ganda naman ng suot mo! San mo binili yan? Anong brand?” Para sakanila bigatin ka kung may wheels ka, may-ari ka ng isang establishment, sikat ang pangalan mo o apilyedo nyo, marami kang HAVAIANAS, ayos ang porma mo at mayayaman ang kaibigan mo. Magiging instant bespren, soulmate, kuya/ate ka nya kung ganito ka ka-big time at kung pwede ka lang nilang iparada sa iba ay gagawin nila para lamang masabing close kayo. Dyos ko, maraming ganyang naglipana dito. Mapapataas-kilay ka na lang, lalo na pagnakita mo nang nakababa ang windows ng sinasakyan nilang kotse para makita sila sa loob at mas proud na proud sila pag naka-convoy sila ng mga rich prens nya. Hay. As if. Di kami ganyan ka-cheap para mabilib sa mga ganyan. Mag-aral o magbasa ka na lang veyveekeyks, lagyan mo man lang laman ang utak mo at baka mas mapa-wow mo pa kami.

            Ex: obvious ba.

POSER—nung nauso ang gotik, nag-gotik gotikan din. Para saknya, gotik na si Avril Lavigne at Evanescence. Nung nauso ang skaters, pang-skater na rin ang porma. Di naman marunong magpaandar ng skate board, akala nya sinususian. Nang mauso ang emo, naging emo na rin ang hitsura. At para magmukhang artsy-fartsy at deep ang loka, ayun, nagdadala palagi ng camera at nagpilit magsulat, gamit mga highfaluting words at one-liners na kadiri. So ngayon, ano naman bago mong pagkatao? Japanese? Jolina? Harajuku? Porn star? Sila yung forever seeking ng identity. Baka meron kayong MPD. Multiple Personality Disorder.

            Ex: Beat staff daw sya. Lagot ka kay Cielo. As sa OSA. Haha!

**Actuali, marami pang kulang dito, veyveekeys, pero so far eto yung mga pinaka nakaka-hila ng kilay ko pataas, veyveekeys. Ang masama pa nito, kung sino pa ang mga nakakaburat, veyveekeyks, sila pa ang may ganang mangmaliit at mantapak ng ibang tao. Si veyveekeys talaga.

P.S.

Ms. Byutipul, ang bango mo!!!!!!!!!!! IDOL.




9 Responses to “Ms.Byutipul”

  1.   cielo on August 31, 2007 8:02 pm

    ” Magiging instant bespren, soulmate, kuya/ate ka nya kung ganito ka ka-big time. ” -pang famas ang linya mo madi. sadly it’s so true. hehe.
    ang jan sa gusto maging beat staff, mag sign on- sign off lugod siya hanggang forever. humalat sana siya kang internship nya. hehe.

  2.   -MummyGorgeous- on September 1, 2007 9:31 am

    at last yaon na ang abang-abang kong blog!so iko-quote ko mn si tig pili ni cielo…

    ” Magiging instant bespren, soulmate, kuya/ate ka nya kung ganito ka ka-big time. ” –totoo tlga ito kasi parang isa ako sa nabiktima niya.

    i also love this one…
    “Para sakanila bigatin ka kung may wheels ka, may-ari ka ng isang establishment, sikat ang pangalan mo o apilyedo nyo, marami kang HAVAIANAS, ayos ang porma mo at mayayaman ang kaibigan mo.”
    —diyos ko nmn pra lang may wheels e mayaman na pala!saksakan ta daw yn prootila ning auto!btw, bali siya sa 4wheel drive…naisturya ko na yn?!

    –at ano ka ba nmn prootila!kya siya nakikipag prends sa mga my ari ng kung ano kasi para maka-libre!proven to kaya wag na siya magdeny…wait, nadala ata ako ng taglog blog mo..nweiz, sabi ng dad ko(pra mas mayaman pakinggan.haha!) papadalhan daw siya ng lista ng utang niya na kinain samin…imi-mail daw dun sa bahay nila na nasa subdivision daw?!my gosh!subd. nga ba yun?(ms.byutipul, ang subd. ay ganito sa tinitirahan namin!sainyo gubat na yun!haha!)
    —at siyempre kahit magutom pa siya, keri lang basta daw my HAVS siya kasi daw cool at uso..ang sabi!di ba veyveekeyks, pang bahay mo lng yun?hehehehe!

    …at wag na wag niyo din na ipapa-alam na pupunta kayong istets o galing kayo dun kasi for sure, hihingi siya ng pasalubong!in other words, BALI SIYA SA MGA NAKAKAPA ISTETS!feeling niya mayamanon ka na pagnaka dumn ka…actually, dawa ngani pln sa bora lang..hmmm…naalala ko lng kya.haha!

    HAY NAKO PROOTILA! I LOVE YOUR BLOG TLGA!DA BEST VEYVEEKEYKS!

  3.   -MummyGorgeous- on September 1, 2007 9:36 am

    ay sus!suya man ako sa poser na iyan!kung nadangog ko lang siya katong sinabi niya dati kng kaibahan ko si palgot baka ginunitan ko na yn lugadon na yan!haha!

  4.   - djAi - on September 2, 2007 1:23 am

    haha. tama ka. pangbanyo ko lang ang havaianas ko. haha! sosyal!

  5.   mariel on September 2, 2007 9:40 am

    magayon baga manay ano? beauty tlga! happy c husband ta naka isip ng arog kayan.deep kung baga. dapat kayan mga beauty na yan ginagakod tapos kiniton na nail clipper and gamit(nail clipper and term para garo rich,hehe)saka siisay ang nag gaganda gandahan jan na plenty daa ng havs? pakisabi nahihirak ako saiya.pag nagutom xa ngatngaton nya ang flp flops nya! barda ang mga arog k ayan. garo c beauty dgdi. dpt plenty and havaianas ta ang fetusa nya..(4 ang legs kng horse ano?)

  6.   TeEnAi on September 3, 2007 7:03 pm

    1 vs. 100 to haha war kung war magtago na sya!

  7.   Pakinsyet on September 8, 2007 7:20 pm

    hahahhaha! mbaho ba paa… hahahahaha!

  8.   bob on January 3, 2009 9:48 pm

    sbOakI hi nice site thx http://peace.com

  9.   garry on January 5, 2009 9:58 pm

    Xo0aqa ki82dnvVsW71mFxp

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind