schizo

October 16th, 2007

putangina e sabi mo ngayon ka gagawa ng thesis tapos di na naman tuloy kasi inaatupag mo puro saya, saya, saya e hindi naman sa lahat ng oras dapat katuwaan! tapos yung practicum mo hanggang ngayon walang kasiguraduhan kasi tamad ka! ojt pa lang yan e pano na pag tunay ng trabaho? tapos naiisip mo pang mag aaply sa mga big time na kompanya?? as if. tapos yang mga incomplete mo hanggang ngayon nakahilata jan sa registrars, walang nagasikaso. kung may paa yan matagal na yang naglakad mag-isa e sa wala? dapat nilakad mo na agad yan. pupunta ka sa mga propesors mo pag oras de peligro na! tapos sa tambay ang dami mong oras?? e yang mga di mo pinapasukang subjects kasi sabi mo ang hirap, o pano na mga yun? di ka man lang ba gagawa ng paraan para maabot ng makitid mong pagunawa? habang buhay na lang ba yang magpapahirap sayo? tangina nakaka drowing ka nga ng mga komplikadong larawan at nakakasulat ka ng mas matalinhagang komposisyon tapos physics lang di mo mapasahan? dyos ko. puro ka excuses! ang tamad mo! wala kang ibang aasahan kundi sarili mo, ang tanda mo ng kumag ka! puro ka dada, wala ka namang gawa. ang dami mo naman sanang alam pero yung mga dapat mong unahin, di mo inaatupag kasi puro ka katuwaan, mukmok, reklamo at landi! saka ka na kumarengkeng kung tapos mo na lahat asikasuhin kasi kahit maghilata kang nakahubad, walang sasaway sayo. e kelan ka nga naman pala nagpasaway? ni ayaw mong pangaralan e, ikaw pa nagagalit pag may nagaalala para sayo! ayos ka talaga, djai. gamitin mo naman utak mo minsan. mahiya ka sa mga magulang mo at mga kapatid mo. matanda ka na, di paatras ang edad. dyos ko po.




One Response to “schizo”

  1.   mariel on October 18, 2007 9:41 pm

    talking to yourself again,mare? hehe! thesis sucks and yeah..HORSES stinks!

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind