signing off
Malamang ito’y hudyat na ng pagbabago. Nananawagan na ang aking nakaraan upang ipasa ang trono sa kung ano mang haharang sa hinaharap. Marami nang nagpaalam, marami nang tinamaan, maraming nang nagpaiyak kaya’t marami na ring pinaluha, marami nang tumapak kaya’t may mga natapakan na rin, marami nang humalakhak, nagkimpi, nag-akusa, nalabuan, nilibugan, nakinabang, nagsamantala, nang-uto, inuto, tinalikuran, tumalikod, nabadtrip, umiwas, umabuso, nagmahal.
Lahat paikot-ikot lamang. Lahat isa lang ang kinahahantungan, ako. Kung ano ako saiyo, yan ay gawa mo. Bunga yan ng matindi mong pagmatyag, pagmahal at pagkainis sakin. Masyado namang malinaw ang lahat para ‘di mo maintindihan. Ngunit may malabong sulok din na kelangang usisain na animo’y marahan kang nagmamasid ng larawan na pinaluma na ng panahon.
Ang mga ginawa ko, ginagawa at mga gagawin ay pwedeng isipin na laro-laro lamang dahil nababalutan ito ng kababawan. Para bang wala nang mas lalalim pa, di nga lang ako isang Pilosopo Tasio pero alam mong hindi rin ako tanga. Ang bawat hagod ng lalamunan ko kapag ako’y tumitili ay katumbas ng humihibot mong utak. At ngayong binibitawan ko na ang lahat ng aking pasanin at saklay, wag kang umiwas. Bumangon ka dya’t wag ng magdrama. Hindi ka naman si Juday.
Nagpaalam na ko sa lunduyang kinasanayan kong uwian at luhaan gabi-gabi. Magpapaalam na muna ako sa tambayang tanging nagpasigla at nagbigay kahulugan sa walang kwentang buhay ko sa Ateneo. At magpapaalam na rin ako sa walang katapusang katuwaan, halakhakan at kamalditahan na tumaginting sa aking tenga at patuloy kong dadalhin sa kabila ng tulay.
Sembreak na. Ber na. Nagtitindigan na ang aking balahibo tuwing dumadampi ang lamig ng hangin. Sumasanib na ang lungkot. Natutuwa na ang mga bata sa kalsada habang nagmumukmok naman ang mga matatanda sa mga tagong lugar, pilit iniiwasan na may makakita. Panahon na ng senti. Marami nang namamaalam. Pati ako, sa palagay ko, kelangan na rin.
O pano? Brngy.election na. Sino na sunod na kapitana?
Uncategorized |One Response to “signing off”
Leave a Reply
tapos na ang tungkulin natin manay…eto ang mga gusto kong i-appoint natin:
*weej
*cielz
*shiela
..sisay mapili?kitang dating officers o ang vaca people?