u kasi eh
Marunong din kasi akong mapuno, u know. Maraming bagay na mukhang hasel pero dip insyd, wala lang talaga yun saken, pero pag kumikipot na bunganga ko, tila ba nagpupulong ang mga ugat sa utak ko na wag kalimutan ang sakit na dulot sakin ng isang tao, sitwasyon o pangyayari. Habang ako’y maingay pa at lumalaban ng patas, kusa ding natatapon ang apaw ng timba. Kaya’t siguro ang daldal ko pag galit, para itong exhaust fan sa katawan na nakakatanggal ng usok na nagpapa-sikip ng dibdib. Pero pag tumatahimik na ako at bumabawas ang tabas ng aking dila, naku, trobol. Automatic ding nagle-level up ang kumukulong tubig sa aking katawan.
May mga bagay-bagay kasing kahit anong pilit kong unawain o paliitin, makulit pa rin. Patuloy ka pa ring dinuduridot ang pinaka kasuluk-sulukan ng aking laman at kaluluwa. Lalo na kapag mahirap kalimutan ang ginawa sakin, mahirap din itong tanggapin. Ayoko namang maging plastik at lokohin pati sarili ko na kunwari’y ok na sakin gayong ang totoo, nakatatak na talaga ito sa aking utak. Badtrip nga e, anong model o brand kaya ng utak meron ako, kasi kumbaga sa computer, wala itong “empty recycle bin.” May sarili pa itong mga galamay na kahit anong oras, pwedeng i-restore pabalik sa memory ang mga pilit kong tinatapon na basura. May nakapagsabi namang Scorpio daw kasi ako. I tend to keep grudges. Pero kung lahat na lamang ibibintang ko sa aking zodiac sign, di kaya’t mas tinatarantado ko lang sarili ko?
May mga pagkakataong akala ko’y unti-unti ko nang nalilimutan ang pait at sakit, sabay nawawala na rin ang pabalik-balik na pagnanasa na katayin ko hangga’t lumuwa ang dumudugong mata ng kina-susuklaman ko pero pag may nakakapag-trigger na pangyayari, tangina, bumabalik ang kirot sa aking pyuso. Kaya wag na lang. Ayoko namang piliting tanggapin ang mga bagay-bagay gayong hindi pa kaya ng sikmura ko. Sori, pero ganito talaga ako kapag nasasaktan ng todo. Kumbaga sa magkakaibigan, walang limutan.
Uncategorized |Leave a Reply