WHO’S VIEWED ME?
O, aminin nyo, tuwing magla-log in kayo sa prendster pinaka-exciting na part yung pag check ng “who’s viewed me” di ba? Biruin mo, makikita mo kung sino mga taga-subaybay ng iyong account kaya’t todo pasikat ka naman sa pagmodify ng profile mo. Pero sumagi na ba sa isip mo kung bakit ka nila vinu-view? Maraming kadahilanan, veyveekeyks. Pwedeng badtrip sya sayo, yung iba naman admirer mo, crush ka, minsan ang crush nya yung boypren/gerpren mo, naghahanap ng pwedeng ipintas sayo kaya kinikilatis pics at profile mo. Normal lang yan sa mga tulad nating maldita. Lahat siguro tayo may innate stalker tendency na lalo pang pinagtibay ng friendster. Hehehe. May iba namang gusto lang magparamdam, meron namang gusto kasi nila icheck mo rin profile nila kaya nagpapa-cute sa who’s viewed me at may iba namang nag-sspy para sa kaibigang walang lakas loob na magpakita kahit sa friendster na lang. Esows. Gumagamit pa ng ibang account para lang mabasa laman ng blog mo, profile at masilip kung anong bago sa pics mo. Inuutusan pa mga uto-utong fwends para lang i-copy-paste ang blog mo kasi baka para sakanya yun. Pero in person, di naman kayang pumalag. My gosh.
Yun nga lang may ibang duwag rin na ayaw pabisto kaya naka “view profiles anonymously” o baka naman kunwari’y hindi sila interesado sa mga viewers nila kaya dedma. Whatever. Basta para sakin, exciting. Lalo na’t pag di ko kakilala ang nagvview sakin, click agad yan. Pero pag cartoon character ang background ng nagview sakin tapos puno pa ng glittering letters at animated na mga tidi bers, yaks, never mind. Di na ko nagaatubiling basahin ang profile, kumbaga, judge a book by its cover na. At ngayong nauso naman ang emo at gotikgotikan, uso na rin mga black backgrounds na puno ng icons na tila ba inuudyok kang mag-suicide with matching one-liners pa na galing sa mga kanta o mga matalinhagang baybayin na kahit ang may-ari, di naman gets. Pag yun ang sumasalubong sakin, nyee, babay. Pag masyado namang girly at pa-bitchy epek, ho-humm. Boring. What’s new. Pag lalake naman at masyadong pa-ombre, minsan napapaisip ako, di kaya’y defense mecha lang yun? Hmmm. Nagdududa agad ako nyan lalo pa’t maskulado sya sa mga pics nya at parang sa photo studio pa kinuha. Naks, effort. Alam nyo namang naglipana ang mga bolash ngayon, pati friendster nainvade! Kaya ingat-ingat, wag kang pahulog sa ma-machong bitag. E pano mo naman malalaman na silahis si papable? Aba, madali lang yan dir. Pag almost kalahati ng public photos nya ay naka-close up tapos ang liwanag pa ng mukha, naku, alam na. Tapos sila kumbaga sa babae, kikay. Talo pa ang girl mag-accessorize. Hindi rin sila nawawalan ng pic na topless para ipakita ang 6-pack pandesal o maaaring nakasandong fit with matching bling-blings na para bang binili sa Penshoppe. Tapos what’s with the sombrerong nakatagilid? Dios ko po.
Sa friendster mahahalata mo rin kung sino ang mga narsiso/narsisa. Usually sila yung FULL ang public photos at pati private photos, di na pinatawad. Todo projek! Hanep sa mga posing at porma (ehem…Marj??). Sila yung palaging may dalang mga digicams tapos pag may moment na feeling nila maganda at japorms sila, aba, sabay kuha agad yan ng camera at nagseself pictorial. Haha! Ok lang sana kung may K ka, katulad ng matalik at malibog kong kumare na ubod ng arte at pinkness sa buhay pero may iba kasing maganda lang sa pics e. Kumbaga, kapa na nila kung saang angulo sila maganda kaya’y kung mapapansin mo sa mga pics nila, isa lang ang hitsura ng mukha. It’s either naka-left angle o right angle ang mukha. Meron namang naka side view lang palagi para kunwari matangos ang ilong pero pag nakita mo na silang prontal, MY GAS. Hahahaha! Tapos minsan basa pa ang kili-kili. Yaks. Pero ang pinaka gumaganda talaga sa pics yung mga magagaling sa adobe photoshop. Konting blur lang dyan at alis alis ng pimples, pang magazine na ang dating! Dati ginagawa ko to pero ako mismo nagseself pity pag nakita ko na resulta. Naiisip ko non, ganito na ba talaga ako kapanget na kelangan ko pang i-edit mukha ko sa computer? Ahahahay. Kaya ngayon, kahit pangit at oily, keri lang. Palagi na lang magpasiguro ng pulbo.
Balik tayo sa Who’s viewed me. Kanina nagcheck ako. Mygosh, andyan na naman yung mga suki ko, naghahanap siguro ng latest. Alam nyo kasi marami talaga akong fans dito sa friendster. Yung iba nakiki-update lang, yung iba genuine talagang naaaliw sa mga pasikat ko tapos syempre may iba namang “fishing.” May mga natatouch, natatawa at marami namang hindi natutuwa na sya namang lugod kong ikinagagalak. Haha! Yun nga lang, mas naappreciate ko yung mga lantarang nagcocomment lalo na sa blog ko kesa naman sa patago mag-react. Kunwari hindi natatamaan, kunwari hindi affected pero badtrip na pala. Pag kaharap mo na ang mga ungas, todo ismayl at chika-chika pa. Esows. Di naman kaya pumalag. Hindi sa naghahanap akong away pero ika nga ni ate jolens, magpakatotoo ka bebe! Kung may problema ka sa pinagsusulat ko dito, don’t make paawa and pakampi sa mga shunga, aba inday, huminahon ka. Di rin naman kasi ako tanga you know, I know what’s up. Yun nga lang you can’t stop me from writing what’s happening between the columns of my amygdala. Blogging is my everyday therapy. It’s a form of release that lets my clutter go. Whatever’s eating away at me, I write about. It’s like an anti-preoccupation thing that’s feasible and productive at the same time. And buti na lang may WHO’S VIEWED ME. Nalaman ko tuloy ang dami palang obsessed sakin. Mygosh. Haha!
And again, it’s pathetic to whine and lie in order to gain sympathy, worse, at the expense of others. How lower can you get?
Uncategorized |One Response to “WHO’S VIEWED ME?”
Leave a Reply
ay sus!tlgang na-extra ako!haha!tnx manay!nweiz, bout sa mga nagvview saimo, i think nageenjoy tlga ibng ppl sa blog mo ta MATIBAYON KA DAW KAYA MAGSURAT!!!mapa seryoso man o laftrip!si iba mn malamang “fishing”…hmmph!bayai pa!