si buntis
ang buntis na siguro ang pinaka-emo na nilalang sa buong galaxy. di na kelangan ang one-sided hairstyle, black nail polish at matiritinding eyeliner. wala ring sinabi ang pag iyak sa ulan. basta buntis ka, sureness na ang emoness.
maya’t-maya’y makakaramdam ka ng grabeng kalungkutan na di mo alam kung saan galing. para itong ligaw na damo na bigla na lang sumusulpot na kahit anong bunot mo, dadami at kakalat pa rin. tanging ang sanggol na lamang sa sinapupunan ang pinaghuhugutan mo ng lakas ng loonb ngunit ang masaklap dito ay di mo naman ito mahahawakan. mas nakaka-depress. lalo na sa 1st trimester ng pagdadalang tao (1-3 months, duh!), dios ko, tila ba suicidal ang mga juntrax. kung anu-ano kasi ang sumasagi sa isipan, kahit ano na lamang ay binibigyan kahulugan. kahit wala namang problema, nagkakaroon at ang maliliit na bagay ay napapalaki! grabe ang emotional heights, mood swings at super sensitive, talo pa si marimar sa emote.
pero para sabihin ko sayo, maraming lumalason sa isip ng bundat. numero uno na jan ang…
INSECURITY. di mo mapigilang mainggit sa iba, mapapa-isip ka na lang bigla na, "wow buti pa sila nakaka bwelo pa, ako hindi na tapos ampanget panget ko pa, huhuhuhuhu." o minsan naman, "wow buti pa sila ang si-sexy, huhuhuhuhu." lahat na lamang may huhuhuhu, lahat napag-iinitan, kina-iinggitan kaya bumababa ang tingin sa sarili. pero syempre hindi to pwede ipahalata sa ibang tao kasi ang buntis ay inaasahang palaging masaya at excited sa baby. bawal na mag mukhang malungkot kasi baka kaawaan ka. bawal ang nakasimangot. dapat magmukha kang blooming. kumbaga, ang buntis na di happy ay kriminal.
SELF PITY. pag kayo’y buntis at naiwan na mag-isa sa kwarto tapos nowehere to be found pa ang jowa o asawa, gudlak sa mata mo! surebol na ang nonstop crying episodes. ang dahilan? wala lang. kasi feeling mo, walang nagmamahal sayo, walang nakaka intindi sayo, walang sumusuporta sayo, walang masaya na buntis ka, walang umaalalay, etc etc kaya awang awa ka sa sarili mo. syempre mas badtrip pa pagwala yung tatay ng baby mo o kaya’t di ka pinanagutan o di pa tanggap na buntis ka o kaya’y confused pa sya, dios ko po, yan na siguro ang pinaka masaklap ever para sa bundat. kahit anong encouragement galing sa frends, no use yan dir. i’m telling you.
SILOS. kahit sinong pwede suutan palda, pagseselosan ni bundat. da more na lumalaki ang ilong, braso, pata at mga kasu-kasuan ng buntis, da more din na nagiging selosa si buntis. da more na umiitim ang kili-kili at singit nya, da more din umiitim ang paningin nya sakanyang paligid. pero minsan naman kasi hindi maiwasang magsilos ni nanay-to-be kasi kung kelan ka nga naman nagdadalang tao, saka naman nagsisi-dapuan ang mga chix kay boylet. sabagay, blooming kasi ang mga tatay-to-be, kung ano ang kina-pangit ni buntis yun naman ang kina-pogi ni boylet. kaya naman andamiiiiiing lumalandiiiii. andaming nagpapakyut. andaming umaapila (right, mayee?hehe). insecurity plus malanding girls, equals to SILOS talaga. kaya kayong mga girlalu, wag nyo naman pasamain loob ni bundat kasi bad yun para kay baby. alam nyo na ngang nagdadalang tao, makikisawsaw pa kayo. ang mga boylet naman, hmmmm, overwhelmed. as if.
BITTERNESS. ang saya mag expect ng baby pero bakit ang pait ng panlasa mo? ang dali sumama ng loob. hindi lang mahipo ni boylet, bitter agad. hindi lang pakitaan ng pagalala, bitter na naman. hindi lang masamahan magpa chek up, bitter ulit. feeling nya palagi syang deprived ng pagmamahal at care. arte arte.
KSP. hindi lang maitext o maalala si bundat, naku, gudlak. hindi lang maisama sa usual gimik ng tropa, naiiyak na si buntis. pero ganon talaga kaya dapat palagi kayong naka antabay sa buntis kasi baka isipi nya na di nyo na sya nila-luuuuv, di na sya nipapansiiiin, di na ni-aalagaan, di na niki-care at di na nifi-frend. hahaha!
–kaya naman ako, heto, pa-blog blog para ni-pansiiiiiin nyo! hehe
3 Responses to “si buntis”
Leave a Reply
ksp ka tlgang bundat ka!!!hahaha!nag-agi nmn ako jn..funny tlga pag badus ta garo paranoid prmi ska kung ano-ano ppara isip..ma comment nlng ulit ako later ta mahali pa ako..love u bundat!
you’re right!it’s not actually selos,more of anggot! haha! si yeehaw kaya,deputa tlga! and i guess you’re right when you told me that these things really do haunt you even on the sunniest day! kaya pag ka aki mo,go kita sa pag tugis sa mga filingerang yeehaw! haha
waaaaaaaaaaaaaaaaa…
makaibi man…
hehehheheh…
nice…
sori now ko lang nabasa blogs mo…
i fear to communicate…
i hate the feeling of missing u kasi…
waaaaaaaaaaa…
try ko uwi sa new year…
miss u sooo much…