maalaala mo kaya…

January 23rd, 2008

Dear ate charo,

hay buhay. maraming mga alaala sa aking nakaraan ang ninanais kong balikan kung ppwede lamang. gusto ko isa-isahin ang mga kaganapang ito at kung isasadulan nyo ho ang mga ito sa ABS CBN ay kung ppwede po sana, si Katrina Halili ang gumanap bilang ako. bahala na po kayo sa leading man, wag lang po si katchupoy. hindi naman po kagandahan o  kagwapuhan ang aking mga kaibigan kaya’t pwede mga extra na lamang ang kunin nyo para gumanap sakanila, para tipid na rin po sa budget. kahit hindi mga artista, ok na siguro. basta ako po, i repeat, si katrina halili. sya po si Angelika sa teleseryeng Marimar kung kayo po’y nanonood no’n. sya rin po ang sexiest woman sa FHM magazine kaya’t nababagay po talaga sya gumanap bilang si DJAI.

(wait, senti mode na…)

ang mga kaganapang ito sa aking buhay ay mananatiling nakakintil sa aking utak. ating duridutin…

1. DOOR 23.apartment days sa Sta.Cruz (starring: Monchee, HB, Ahmad, Mary, Yabong, Warren, Makoy, Maya, Bong, Ryan, Juan, Tanya, Mayee, Joe at lahat ng mga naging babae ni Monchee na inuwi doon at hindi ko na babanggitin kung sinu-sino sila kasi baka mapuno itong blog ko) — gay nights.planet B disco till dawn. makeovers. yosi sa sahig. badtrip si ahmad. walis si HB sabay bulong kina Mayee. wararlahan. blue nights. pancit canton. wig. nomo with complete soundtrak till dawn. rap ni Monchee. tago kay TIYA NATTY. basura kids. sodong. walang kamatayang "someday you’ll know" ni HB. overdose sa diet pills. mga boylets ni mayee. exibition si ahmad, lakad on bubog. kaosmakan ni Bong. debut ni buRYE. ang alilang si Juan. Lemerkim. Lemerjay. ATE VANJJJJJJJJJJ. hay. wala nakong masabi.

2. KASAGSAGAN NG KABAKLAAN MOMENTS. (starring: BJ, kilogz, sancho, rye, juan, andreu, sir noel, rica, dixon, mga boylets ni Rye) — eto ung mga araw at karamihan gabi na di mo kami mahahagilap kung saan kasi it’s either nasa kwarto kami o terrace nina BJ o nasa Karangahan o ngookray sa Vaca. kapag sabado, di pa noon nagsisidagsaan ang mga hiskul jologs sa Clubm8, nasa ibabaw kami ng mesa o nakabitay sa kisame ng Clubm8 walang pakialam sa mundo basta maka-giling lamang. pag may problema, tipon at chika chika agad, di uso ang bakfyts. prankahan to da max. yun ang natutunan ko sa mga bakla. walang keme keme. si BJ at Jisun pa noon ang labteam na pilit naming pinagtutugma pero ayaw talaga ng tadhana sakanila. hehehe. si sancho naman nahuhumaling noon sa mga legazpi boys. si ryan, kay BONito pa. si Andreu, todo raket sa make up para may pansustento kay HAHAHAHA. si marj, bagong rekrut. kaya sinukahan nya kami sa 1st nomo session nya with us kina BJ. halos di na ko umuuwi non sa Karangahan, kina BJ na ko nakatira.

3. SCREENING NG TRUE PRENDS (starring: ANONYMOUS na lang) — eto ung episode na marami akong narealize, natutunan at iniyakan. dito ko nalaman na pwede ka palang gawan ng masama ng isang taong tinuturing mong tunay na kaibigan. dito rin yung time na nalaman ko kung sino ung mga totoong tao, mga paIMAGE, paVIRGIN, paLINIS EPEK, traydorik and most of all, kung sino ang true prends ko. todo resbak moment ito ng gay society sakin. salamat.pramis.

4. AFTER SHOCK EVENTS (starring: dayangdang boys, ina, tin, molino bar tenders, mae, tanya, jean…) — e di pagkatapos ng sama ng loob, naisip ko na di ako pwedeng magmukmok na lamang sa isang gilid at magreflect. kailangan ko rin magsaya! dito ko natikman ang mga mixed drinks ni meeno at poy na inimbento pa nila sa kanilang dayangdang kitchen. ang iba lasang toothpaste, ung iba parang bactidol at lysterine pero karamihan naman masarap at matamis. marami akong HUG na nakuha sa mga friendship. dito na rin kami naging close ni Ina, Tin, Mae, etc. maraming gustong rumesbak pero sabi ko, dehins na mga tsong! malimit din kami ni tanya magbonding dito, sa molino, kaya napa close ako kina rey at hansel, mga dakilang bar tenders.

5. VACA DAYS (starring: refer to vacapipol@yahoo.com>FRIENDS, HEHEHE) — ung mga dating tao na di ko gaano napapansin at nakakausap, unti-unting kong nakilala. naisip ko, WOW ETO UNG MGA TUNAY NA TAO. no pretentions. kung ano makita mo, yun na yun. bawal ang pakyut at pa-image. marami rin akong nakuhang kwento na di ko huna-hunaon. maraming chismis, maraming yosi, maraming tugtugan, maraming drowing, maraming tambay, maraming AF at Inc! hehehe. pero di nga, dito ako natuto maging simple at mag-appreciate ng maliliit na bagay. dito rin nabuo ang pink tanods, desperate housewives at da-samahan-ng-tigang-na-rakers at barako boys. dami rin artists! dito lalong nahubog ang aking talento sa pagsusulat at pagddrowing. lalong tumigas ulo ko pero in a gud way. lalong naging rekless abandon. wa-care, wa-paki. hanggang sa tinagurian akong Kapitana dahil sa husay ko raw mansita at mang away.

6. ABCEDE (starring: dru, owels, dax, elmer, jonj, duke, kuya roel, jing, aiza, katz, mm, kamil, cielo, allen, pao b., pau d., chad, julma...) — haaaaaaaay. daming ngyari dito na mahirap makalimutan. unang una na jan ang 5-days paglalasing ni gleena dahil sa hiwalayang masaklap. 1 week sya non nagpainum ng matador. yung iba, take advantage naman sa Matador. wehehehe. dito rin maraming birthday party na naganap. halos every week may nagbbirtdey! di na jan naaalis ang beer bong, weed, V’s at sayawan. may pa-DJ DJ- dedicate to da max pang nalalaman si Richard. kaya ayun, may mga nadevelop. love triangols karamihan. ehehehe he he ehe. tapos pag walang magawa o mainitan lang ng konti, magaalok agad si owels ng PASACAO!! o CAROLINA!!! akala mo naman ang ddami pera pero ayun, naka lista sa bulletin board ang mga UTANG. si dru ata ung #1 sa listahan. haha! wala rin tatalo sa Dolo, thanx Tin, sa uulitin. sana maulit nga yun. feeling TGIS tayo non. tapos sumikat din si Jessica, ang multo upstairs na mahilig magdabog kasi galit sa mga LABANDERO-LABANDERA! esos. kaaaaatz. dru. kahit dumaan si reming, 1 buwan na nag-brawnout, wow, nagsusugal pa rin gamit kandila. ok lang wag kumain basta may pantaya at pampusta. dinadaan na lang sa Karoke ang gutom. may mga away away din, mga issues, mga walaan and everything. ngunit lahat may hangganan. nawala ang Abcede pad, nalipat sa DYD…

7. DYD (starring: Sid and Chico) — nagkasundo rin sila sa wakas ngunit huli na ang lahat, inu-uod si Chico kahit buhay pa, kelangan ng magpaalam ni Sid sakanya.hmmm.kaya siguro lumipat ding Davao si Sid, di nya nakayanan pagka wala ni Chico boy. at eto si Owels, nung makabwelo after lumisan ni Chico, nag PIMP MY PAD ampota. bumili aquarium, nagpalagay erkon, carpet at Mazda3! o ha. wala na raw kasi ung mga Lamb of God soundtrak next door.  owels, kelan ka magkaka-lablayp???? meron ka ng Mazda3 ah…

8. CALAUAG DAYS (starring: mga mumu sa bahay ni INa) — iniwan kay cielo susi ng bahay ni Ina, after that, naging official hangout na sya. bumalik si Ina, nainlab si jonji, umiyak si jonji with all the suntok suntok da pader, naglaslas si ina, anjan pa rin si jonji, lumipat ng DYD si Ina sa piling ni kris at yun, naging akin na ang bahay. bwahahaaha! si jonji nanatili pa rin sa bahay para langhapin ang maliligayang sandali na tila nakakintil na sa mga pader ng bahay ni Ina. pero di naglaon, dumating si chezka. and that’s another story. hehehehe. dito ko naranasan tiisin ang takot lalo na pag walang gustong sumama sakin. huhuhu. nasanay na lamang ako kaya nagsi alisan mga mumu sa bahay ni ina. ako na nagmulto magsimula noon. maraming bakas ni Djai naka ukit sa bawat sulok doon. sa bahay na yun naadik ako sa tuyo, sardinas, natong at mga lutong 5 pesos lang pero sing rami ng good for 5 persons sa Oyster Villa. pramis. nasawa ako sa ingay sa labas kaya minabuti kong magkulong sa bahay na yon, mga piling tao lamang ang pumpunta, yung nakakatagal sa Silence. kasi nga walang TV roon, walang radyo.. lahat maiimagine mo kung andon ka. pero mapapag usapan nyo naman lahat ng dapat pagusapan. how cool is that? si elmer, duke, jonj at ely boy ang mga suki ko doon. kwentuhan lamang sa maduming sahig ay ayus na saknila.

Calauag na pinaka huling lungga ko. Sa ngayon, nagpapaka mader ako dito sa Legazpi. Nagpapataba at nagpapaitim ng kili-kili. nakaubos pa lamang ako ng 3 galon na ice cream, 4 na cadbury bars at 4 a Buchi galing sa Chowking. ok lang. ganito talaga mga tigang. ehehehe.

syet. super mega antok na akez, ate charo.

P.S.

Katrina Halili po ha? dont forget.

nagmamahal,

Deijai =)




7 Responses to “maalaala mo kaya…”

  1.   iNz on January 23, 2008 12:48 pm

    Djai! Gaga ka muntik nako maiyak =( Miss na miss ko na ang Naga!…At iakw =(

  2.   Jonjie on January 24, 2008 3:05 am

    ano ngaran ta arog kayan..garo may dakulang parte ako sa istorya..bakong basta basta xtra lang ha! hap ka dij..di namaaaan ah

  3.   djAi - on January 24, 2008 3:18 am

    esossssssssss. ano ta kamo ni ina pinaka inot na nagreak??? haha! hoy punduhan mo ko jonj ta gabos na sinurat ko jan true to layps. kulang pa nani yan! pabayai ta mahanap akong mas bigatin na artista maganap sa role mo. si Piolo kung gusto mo. o si kuya germs.

  4.   MummyGorgeous on January 24, 2008 3:24 pm

    ay o! si duwa magka sunudan lang mag-react!hehe!peace! hamag ka sa halos ara-aldaw tang ibahan, ano ta si pag-suka ko pa ang binanggit mo! ay sabagay!bihira lng yn mangyari sako ta bihiraon mnlng ako mag-nomo kya sige na lugod! ^_^

  5.   Weegi on January 24, 2008 4:54 pm

    tulong upak manai! hahahaha! no pretentions, no limits, no lies!

  6.   mariel on January 26, 2008 6:29 pm

    haha! love et! maray na lang ta dae tatao magbasa ng blog c patrick..kung dae knows nya na ang kabalahuraan ko. virgo the virgin kaya ang emote ni manay mo.haha!

    by the way,thanks for the serious talks we had..

  7.   maria on January 26, 2008 11:23 pm

    ay sus kita jonjie, herak man! manay, matinde tlga ang calauag and abcede days! mishu!

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind