TELEBISYO

December 8th, 2008

Papanatilihing kalmado,
konsentrado
sa isang regular na pwesto,
ikadena ang utak sa screen
habang lumalaklak ng matador o gin.
Silaban na rin ang baga,
butasin ang bituka,
isuka ang atay at balun-balunan,
i-kyenta ang makina ng puso
sabay sipa sa silinyador.
Sisantehen sa pwesto ang utak.
Sabog sa teleserye
lango sa malas-swerte
basag sa salita
tigas titi kay Kristine, Iwa, Marianne at Ehra.
Pilosopiya ni Boy Abunda.
Ginintuang puso ni Willie.
Karunungan ni Tito, Vic & Joey.

Sige lang,
laklak, hithit, turok, saksak.
Wala ka ng hahanapin pa.
Tutok na.




2 Responses to “TELEBISYO”

  1.   yurtdışı dil eğitimi on January 2, 2009 11:59 am

    Mayroon bang anumang impormasyon tungkol sa paksa na ito sa ibang wika

  2.   yurtdışı dil eğitimi on January 2, 2009 12:00 pm

    Bakit sa web site na ito ay walang ibang wika suporta

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind